kanina sa translation make up class nakikinig kami sa nagrereport, tapos bigla akong na OC kasi yung chair ko natanggalan ng plastic so ang ginawa ko pinalitan ko ng ibang chair... tapos pagtingin ko yung ipinalit ko mas malala pa pala! argh! anyway nalaglag yung fuchsia kong mechanical pencil tapos inabot ni burns sa akin. tapos biglang eto nakita ko siyang may sinusulat sa scratch paper at ipinapasa kay benjie, syempre si pakialamera inabot kay benjie tapos nakibasa rin at ang sabi:
kelangan ba
color coding
lage?
BAKIT HINDI?!
:P
pwede naman
hehehe
*di talaga bat yung drawing kaya lang wala kasi dito basta mukha ata ng cat o dog yun o basta yun.
yan yung naging conversation wala lang pacute lang hehehe... kasi nga naman tumerno pa yung damit at sandals sa lapis ko... hehehe... ayun pampasaya ng araw... malungkot kasi today.
last day kasi nung student ko na si alex at yung sister niyang si sandy tapos hinatid ko sila sa elevator na pigil na pigil yung iyak, tapos kita ko bago mag sara yung elevator paiyak na si sandy kaya nung tuluyan ng nagsara hinayaan ko ng pumatak ang luha ko... hay buhay wala namang katapusang pamamaalam... sabi nga ni isaac "i think that the meeting is very precious because the parting is so difficult." oo ganun na nga yun... hay buhay... at marami pang ibang darating at lilisan... bad trip noh?! pero ayos lang nakakatouch nagemail ako kanina pagdating ko sa bahay at sumagot naman agad si alex, eh sa kultura nila hindi naman uso ang pakashwal na i love you kaya hindi ako nag i love you sa kanya pigil na pigil kasi baka hindi mainitindihan nung bata tapos ayun wala lang nakakatuwa na siya pa yung naunang nag i love you. kakatouch talaga...
Thursday, February 22, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment