Thursday, February 22, 2007

nagpasa ng note

kanina sa translation make up class nakikinig kami sa nagrereport, tapos bigla akong na OC kasi yung chair ko natanggalan ng plastic so ang ginawa ko pinalitan ko ng ibang chair... tapos pagtingin ko yung ipinalit ko mas malala pa pala! argh! anyway nalaglag yung fuchsia kong mechanical pencil tapos inabot ni burns sa akin. tapos biglang eto nakita ko siyang may sinusulat sa scratch paper at ipinapasa kay benjie, syempre si pakialamera inabot kay benjie tapos nakibasa rin at ang sabi:

kelangan ba

color coding
lage?
BAKIT HINDI?!
:P
pwede naman
hehehe


*di talaga bat yung drawing kaya lang wala kasi dito basta mukha ata ng cat o dog yun o basta yun.

yan yung naging conversation wala lang pacute lang hehehe... kasi nga naman tumerno pa yung damit at sandals sa lapis ko... hehehe... ayun pampasaya ng araw... malungkot kasi today.

last day kasi nung student ko na si alex at yung sister niyang si sandy tapos hinatid ko sila sa elevator na pigil na pigil yung iyak, tapos kita ko bago mag sara yung elevator paiyak na si sandy kaya nung tuluyan ng nagsara hinayaan ko ng pumatak ang luha ko... hay buhay wala namang katapusang pamamaalam... sabi nga ni isaac "i think that the meeting is very precious because the parting is so difficult." oo ganun na nga yun... hay buhay... at marami pang ibang darating at lilisan... bad trip noh?! pero ayos lang nakakatouch nagemail ako kanina pagdating ko sa bahay at sumagot naman agad si alex, eh sa kultura nila hindi naman uso ang pakashwal na i love you kaya hindi ako nag i love you sa kanya pigil na pigil kasi baka hindi mainitindihan nung bata tapos ayun wala lang nakakatuwa na siya pa yung naunang nag i love you. kakatouch talaga...

Monday, February 19, 2007

lea/iving

hay buhay... sabi nila lahat ng dumarating umaalis rin, it will end soon like all love will nga daw... how can you find love in any form kung lahat naman nga ng na "find" mo mag eend din?

ang tanung lang... anung saysay ng lahat kung matatapos rin lang?

sabi nila hindi raw ako masyadong nagpapahalaga... bakit pa kung wala rin naman matitira sa akin in the end diba? parang pipiliin ko nalang maging safe... marami ng nangyari leaving and parting and dying too... dba?! ano pang saysay ng lahat... ng pagpapahalaga at pagmamahal...

para saan pa talaga kung matatapos rin lang lahat.

Friday, February 16, 2007

pwede na uli!

yebah!!! may fone na ako uli pagkatapos nung ilang linggong pagkawala sa mundo ng cellphone at text messages, at mga events at make up classes na hindi ko alam dahil sa wala nga akong cellphone. gamit ko yung luma kong number. pasensya na globe at wala akong panahong mag bayad ng bill. hehehe eto po ang number ko kung namiss nio ako dito nio ako itext. 09165973066

Wednesday, February 14, 2007

in all fairness sa araw ng mga puso ha...

in fairness talaga sa araw ng mga puso ha! napasaya ako... wala lang never naman kasi akong nakatanggap ng mga kasweetan sa araw na yan bukod sa mga bulaklak na galing kay anyatot which by the way hanggng internet nalang pero sweet parin at thank you parin hehehe... ayun na nga wala lang yung student ko na 50 years old sa morning ang saya biglang nagabot ng chocolate na parang sabi nia today is valentines day so here... parang ay shet sir thank you na touch talaga ako... ayun na nga tapos yung mga mukang sanggano na mga bagong students shet ang sweet lang kasi lahat binigyan nila ng chocolate, tapos ayun na nga alam nio ba na yung isa pa dun talagang inasa isa nyang balutin yung mga chocolate tapos nilagay sa isang bag. ayun tapos kahit hindi ko mga students nag bigay rin... nakakatuwa talaga. tapos nag indulge ako magisa sa coffe bean, na pasta and herb linguine ako tapos moroccan mint tea latte wala lang masaya lang, at pasensia na ann nakalimutan kong may lunch date pala dapat.. tapos uminom kami ni ann nag order ako ng beer isa lang talaga dapt tapos naisip namin na mag margarita so cge go... tapos nakita pa kami ni isaac at ni tom pero umuwi sila ng mas maaga... ayun anyway nung bayaran na hahaha panalo! 38 pesos lang binayaran ko kasi margarita night pala hahahaha! ayun wala lang masaya lang... pero hay ewan kong nagfifeeling pero sabi ni ann hindi na raw eh... hindi na nagfifeeling parang totoo na raw... hay may gusto sa akin student ko.... basta ayun ewan... nakakailang na pero ayaw ko naman ma hurt sia kasi sobrang bait nia na dapat d ko sia i hurt... hay... pero ayun basta masaya ang valentine's day ko ngaun!!!! sana kayo rin...

Tuesday, February 13, 2007

carnations and a butt!


" It is not often that someone comes along who is a true friend and a good writer. Ynna was both." - Charlotte's Web
Go watch and grab a copy of the book, na! Perfect love day movie =) HAPPY VALENTINES!
I LOVE YOU dearest sister!
- antz

Saturday, February 10, 2007

cguro nga

joy_anya: it took me a while to realize i cant make you see that or realize that..just by even saying it or kahit ilang beses pa tayo magaway
joy_anya: yung mga mahal ka talaga di kanaman matitiis eh.. hindi nila kayang pilitin hindi ka mahalin eh
joy_anya: ikaw gumuho man ang mundo ilang beses mo man silang hindi pansinin alam mo pagkinailangan mo sila andyan pa rin
joy_anya: sa mga fleeting friendships mo or hindi yung mga hindi masyado important..mas napapahalagahan mo pero paghindi kanaman ok navavalue mo pa rin yun mga nagmamahal sa yo
joy_anya: so i think mahal ka din nila that way

para kay willy boy

aalis ka na pero gusto ko langmalaman mo na mahal din kita. at alam ko rin kung gaano mo ako kamahal at sobra akong nagpapasalamat doon kung alam mo lang. pasensia na hindi ko gaano maipakita kung gaano rin kita kamahal. mamimiss kita pag wala ka na. ewan sobra lang cguro kasi akong secured sa love mo na parang feling mo tuloy natitiis kita. alam ko lang kasi na mas mahal mo ako kesa sa mahal nila ako kaya cguro ganun. hay... malungkot at kailangan nanaman akong lisanin. pero ayos lang mahal parin naman natin ang isa'tisa. sana maging sapat na iyon. i love you willy boy! sana mabasa mo to! :)
sana sa iyong paglisan eh daladala mo ang pagmamahal ko at ang karampot na alaala natin dalawa. magiingat ka doon. at sana patuloy mo parin akong mahalin. :)

babalikan

people come and go...
minsan mahirap talagang pigilin kung napamahal na sayo... ang hirap ng bumitiw... pero cguro ganun talaga kelangang may lumisan minsan para may roon ring babalikan...

Friday, February 09, 2007

today

you are the one who inflicts pain and shame unto yourself...

sa translation

ang baba ng level of vocabulary ko sa filipino! hindi pang MA pang elementary! kaya ngayon mag sisikap na akong mag salita ng direchong filipino!!!

wala

wala akong fone kasi sira! shet na yan! tapos nag lasing pa ako kagabi at ngayon ko palang uumpusahan pagnilaynilayan at isa isahin ang mga detalye ng nobela ko!!! shet pano na! ginagawa ko namang parang college lang ang MA shet!!! argh!!!!!!!!!!!!!!

Tuesday, January 30, 2007

tamang blanko

pagod ako... pero ewan kung pisikal o kung ano man... wala... cguro hindi talaga ako pagod nag papagod paguran lang... blanko... blanko ang mundo... malungkot? hindi rin... tamang blanko lang talaga... kuntento? hindi rin... tamang blanko lang talaga... tama na titigilan ko na... pakiramdaman niyo nalang ang kablankohan...

Thursday, January 25, 2007

carrots

hay syempre nung inuman hindi ako kumain kasi nga puro meat lang hmm... biglang may dumating na carrots (inorder talaga nia yun for me) hay!!! tapos iniwan kami ng mga classmates namin.. ang cheap lang ang saya! tapos inikot namin ang ust para kunin sasakyan nia para umikot uli at ihatid ako sa bahay! diba ang cute shet... may future kaya ako dito?!?!?! hehehehe

Friday, January 12, 2007

lychee black tea

umiinom ako ng isang tasang lychee black tea nitong umaga...
(ang init ng tasa sa aking palad...
ang pait na dulot sa aking dila...
ang alaala ng nagdaang hindi kalayuan...)
at nadala ako nito sa malayong kamalayan... pabalik sa matagal ng panahong nagdaan kung saan kayang maging gabi ang isang buong araw... kung saan mas mahaba ang pagmumuni muni kesa pagkabuhay... sa malayong mundong ito ko nakilala ang sari-saring kwago... narinig ang sari-saring kwento... naranasan ang sari-saring anyo ng pagkabuhay...
(lagok lang ng lagok, hanggang diway di na mag antok...)*
at sa pagkaubos ko'y unti-unti naring bumalik sa ngayong kamalayan... ngayong pagkabuhay... malayo na sa mga kwago... malayo na... malayo na..

*salamat si hiram na salita sir mike

mga linya para sau taba (galing sa multiply ni carla)

"Ayoko ng tinatapakan ako, ayoko ng masikip,
ayoko ng mabaho, ayoko ng walang tubig, ayoko ng walang pagkain,
ayoko ng putik."

- Maricel Soriano in Kaya Kong Abutin Ang Langit

"Jun-jun! Jun-jun!"
- Paano Ba Ang Mangarap (Vilma Santos)

"Wala akong minahal at siguro wala na akong
mamahalin pa tulad ng pagmamahal na ibinigay ko sa'yo."

- Aga Mulach in Sana Maulit Muli

"Mahal mo ba ako, dahil kailangan mo ako o
kailangan mo ako kaya mahal mo ako"

- Claudine Baretto in Milan

Maricel S. : Wag kang maka-arte arte na 'kala mo kung sino ka dahil SAMPID KA LANG DITO!
Lorna T. : Bakit..pareho lang naman tayo ah...PINULOT LANG SA LUPAH! (sabay silang nagtulakan sa pool)
- Dinampot Ka Lang Sa Putik

"Ang hirap kasi sayo una kang ipinanganak"
"Ang hirap kasi sayo huli ka na ng ipanganak"
- Sharon & FPJ in Kahit Konting Pagtingin

"Si Val, si Val si Val, lagi na lang si Val, si Val na walang malay,
si Val na walang kasalanan...wala na ba kayong awa?!"

- Vilma Santos in Saan Nagtatago ang Pag-Ibig

"Para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain...."
- Vilma Santos to Dina Bonevie in Palimos ng Pag-Ibig

Lola,hindi ba po siya nalilito?
- Shaina Magdayao in Tanging Yaman

Salbahe ka!Cake ko yan!Cake lang yan!
-Gloria Romero in Tanging Yaman

Hindi, hindi na mahalaga sa akin ang pagpa-pasexy,
hindi ko naman mapagkakakitaan yun eh!

- Sharon Cuneta in Kung Ako Na Lang Sana

You can just stop being proud of me!
- Vilma Santos in Dekada 70

Mukha kang pagod na tonsil!
- Jolina Magdangal in Kung Ikaw Ay Isang Panaginip

Lahat ng ibinibigay ko sa kanila ibinibigay ko rin sa 'yo...
lahat, lahat, lahat, lahat!

- Claudine Baretto in Milan

Sino ka, anak ng araw?
- Blakdyak in Asin at Paminta

Anak ka ng tatay mong hindi nag huhugas ng pwuet!
Wala akong tiwala sa'yo kasi ang kaluluwa mo sing itim ng balat mo!

- Eddie Garcia in Asin at Paminta

Bakit ganyan ang hitsura mo?
- mga diwata sa ilog majayjay

"Bakit ang ama, makapag-trabaho lang sya at maibigay ang pangangailangan ng anak mabuti na sa paningin ng iba?!... pero bakit ang ina ginawa mo ng lahat... nagpakapagod ka, masama parin sa paningin ng iba?!"
"Bakit walang nagsabi sakin na parang tubig ang pera d2?"
"Sana sa bawat paghithit mo ng sigarilyo, naisip mo sana kung ilang pagkain ang tiniis kong di kainin para lang makapagpadala ng malaking pera d2!"
- Vilma Santos in Anak

I LAB YU ATE VI! WINNER!

++
teka, di pa pala to tapos...may mga naaalala pa ko. eto kase epekto ng pagkakanuod ko ng 8 in 1 na pelikulang tagalog nila ate shawie, ate guy, at ate vi.
at minsan nga naiiyak pa ko e. nadadala ako sa storya.
trip na trip ko yung mahirap yung bida, tapos, aapihin,
tapos maghihiganti kase mayaman na sha.
at
bakit
WALA NANG GANUNG PELIKULA???
kaya di na ko nanunuod ng sine e.
kase pelikula ngayon, gaya gaya na sa isteytsssh.
++

DARNA
vilma: Ding akin na ang bato!
ding: heto na ate!
vilma: DARNA!!!

++
I CANT STOP LOVING YOU
NORA to Miguel Rodriguez: Ito ang tandaan nyo! babalik
ako doon sa itaas! at kapag nasa itaas na ako, duduraan ko kayo!
NORA to Liza Lorena: hangang kailan ba Mama? hangang kailan ba
ako magbabayad ng putang inang utang na loob na yan?

++
IKAW PA LANG ANG MINAHAL
Hinihintay ni Maricel si Richard Gomez sa labas ng
kanilang malaking bahay, napagkasunduan nila na magtanan
dahil tutol ang
ama ni Maricel kay Richard dahil ang huli daw ay isang user....

Sinamahan si Maricel na maghintay kay Richard ni Charito Solis na
isang tiyahin ni Marya. Lahat ng sasakyan na dumaraan
ay parang tulirong pinapara ni maricel sa pagbabasakali na si
Richard ang dumating....

CHARITO to MARICEL: Sana naging tuso ka rin.

Napatingin si Maricel kay Charito sa sinabi nito.
Biglang bumuhos ang malakas na ulan at may
biglang dumating na sasakyan, nagpalahaw na ng iyak si
Maricel at hinahabol ang sasakyan.
Pinigilan siya ni Charito at pilit na kinakalma si Maricel....

MARICEL to CHARITO: Mamahalin niya ako Tiyang,
mamahalin niya ako para sa inyong lahat na hinde nagmahal sa akin...

++
maricel:kunyari nasa isang talk show tayo ako ang
host ikaw ang guest. ang tanong "may relasyon ba kayo ng asawa ko.
zsazsa: anong relasyon?
maricel: mistress, kabit number two, relasyon!
zsazsa: terry!
maricel: wag mo akong ma terry terry!

++
KASTILYONG BUHANGIN
Eksena: sa hospital di makapaniwala si Guy na patay na si Lito Lapid.
NORA: (pabulong hangang pasigaw) Oscar..
Oscar di ka mamamatay, di ka mamatay Oscar,
oscaaar hindi ka mamamataaay....
Oscaaaar...

++
Rudy F. : Pre... Walang personalan to.. trabaho lang. bang bang bang bang!


rene requestas sigaw sa echo: Cheetaeehh ganda lalakeee!
sagot ng echo: Ul0l sinungaling panget! panget!

++
HIMALA
Nora: Ipinatawag ko kayong lahat, dahil may
gusto akong ipangumpisal sa inyo, walang himala...
hindi totoong may himala,kayo ang gumagawa ng sarili
nyong himala,nasa puso ng bawat tao ang himala, walang himala...
walang himala!!!

++
SISTER STELLA L
Vilma: Ang ipinaglalaban namin dito ay ang karapatan ni ka Dencio!

++
BITUING WALANG NINGNING
Sharon: Noong una hinangaan kita,pero ng makilala kita,
sinabi ko sa sarili ko na hindi lang kita papantayan, lalampasan pa kita!

++
INAGAW MO ANG LAHAT SA AKIN:

Maricel: Ikaw ang maganda, ikaw ang matalino,
ikaw ang paborito ni Itay. Malandi ka, haliparot.

Snooky: (sinampal si Maricel)

Maricel: (gumanti rin siya ng sampal)

Nagsabunutan, nagngudnguran, naggulungan sa putikan
sina maricel at snooky. habang sinasabunutan ni maricel si
snooky nag-dialogue siya...

Maricel: akala mo kaya mo ako ha, sige laban. Hindot ka!!

++
BELOVED
Nora to Boyet: Noong una hinangaan kita, sinabi ko sa sarili ko na
hindi ka gagamit ng kapwa mo, makarating ka lang doon sa itaas,
pero ano ang ginawa mo? ipinagpalit mo ang lahat, pati katawan mo,
pati kaluluwa mo ibinigay mo don sa babaing yon(Hilda),
SA WALANGHIYA AT MAKATING BABAING YON!!!

++
NAGBABAGANG LUHA
Alice: Ate mamatay ako pag kinuha mo sa akin si alex
Lorna: Ipalilibing kita.

++
BAKIT BUGHAW ANG LANGIT?
Nora Aunor(Babette),Dennis Roldan (Bobby)
Bobby: nu yun? (tinuro ang langit)
Babette: langit
Bobby: nung kulay?
Babette: Bughaw
Bobby: akit ughaw?
Babette: alam mo Bobby, mula ng ipinanganak
tayo dito sa mundo, maraming tanong ang hindi natin kayang
sagutin,katulad ng
tanong mo sa akin kung bakit bughaw ang langit at katulad din
ng tanong ko sa sarili ko kung bakit kita minahal.

++
T BIRD AT AKO
Vilma: ang hirap sa'yo, sala ka init, sala ka sa lamig,
isinusuka ka ng diyos, iniluluwa ka ng langit!
Nora: sige,ayan, bukas ang pinto...magsama kayo ng lalaki
mo!!! mamataay na rin kayooo!!!

++
INAGAW MO ANG LAHAT SA AKIN:

Nakaharap si Maricel kay Armida ng pareho silang nakaluhod sa lupa.
Habang nagsasalita si Maricel lumalayo naman si
Armida ng nakaluhod pa rin at sinusundan siya ni Maricel ng paluhod din.

Maricel: Sige, isatsat mo. ipanganlandakan mo na ako
ang pumatay kay Itay tsaka ko ipagsisigawan na ginawang asawa ni
Arcadio ang bunso niya, kaulayaw, Kabit!!!

++
`MERIKA
Bembol: Mila...Mila mahal kita!
Nora: hindi,huwag mong sabihin sa akin yan dahil
hindi ako ang mahal mo! `Merika, Amerika mo ang hinahabol mo!!!

++
TINIK SA DIBDIB
Nora: Sa natatandaan ko itay, mula ng maliliit
pa kami wala kayong naibigay sa amin, ni isang latang gatas!
(emote) oo nga pala... marami...dito... mga tinik sa dibdib!!!

++
DAPAT KA BANG MAHALIN?
sharon:"bubukasan mo ba yang pinto o ihahampas ko sayo
itong maleta ko"
gabby: "bakit ba?"
sharon; 'sawang-sawa na ako sa mga kasinungalingan mo....
isang linggo kang di nagtrabaho... nagbabad ka sa kama ng babaing yun....
tapos ang gusto mo, para akong isang tangang naghihintay sayo dito...
uuwi na alng ako sa bahay namin.. mga totoong tao pa ang kasama ko doon"

++
DYESEBEL (alice dixon version)
"Bangenge, parang awa mo na gusto ko nang magiging tao ng buong buo,
ayaw ko nang maging si DIYESEBEL"

++
BILANGIN ANG BITUIN SA LANGIT

Gloria Romero as Dona Martina and Nora Aunor as Magnolia.

Dona Martina: Mataas kang magsalita.
Baka nakakalimutan mong ang mga langgam,
kapag umagapay sa kalabaw, nadudurog kapag tinapakan.

Magnolia: Pero pwede silang umilag, gumapang at
mangagat kung kinakailangan.

++
BILANGIN ANG MGA BITUIN SA LANGIT (again)

Magnolia: Bullshit Anselmo! You listen to me! (Nora to
Tirso)
Magnolia: Wala pang taong hindi rumespeto sa pangalang
MAGNOLIA DELA CRUZ! (Nora to Ana Margarita G.)
Anselmo : Balutin mo man ang katawan mo Magnolia ng ginto,
hampas lupa ka pa rin (Tirso to Nora)

Magnolia : WALANG HIYA KA!!! (Nora to Tirso habang
hinahabol ang jeep ni Tirso at siya'y
natalsikan ng putik)

++
I LOVE YOU MAMA, I LOVE YOU PAPA
Nora: Huwag mo akong daanin sa paingles-ingles at
naiintindihan ko na'yan. Hindi na ako ang dating probinsiyanang nakasama mo
noon sa bukid alam ko na kung anong ibig sabihin ng shit kaya shit mo!
Ang kapal ng mukha mong sabihin sa kin yan pagkatapos
ng lahat ng ginawa mo sa kin. kung nung araw nagawa mong
paikutin ang ulo ko puwes, hindi na ngayon!

++