Monday, June 05, 2006

talambuhay 1

nagbabasa ako ngaun ng stainless longganisa ni bob ong kaya siguro ako natuwang subukang magsulat sa tagalog... sinubukan ko kasi noong magsulat ng tula sa tagalog at lumabas na katawatawa. nagtry maging seryoso at madrama... wa epek naman! hehehe

ayun so hindi ko alam kung paano ko sisimulan... ang dami kong gustong isulat... kaya lang yung iba dapat hidni mabasa ng ibang tao... kung sa bagay... wala naman sigurong masyadong nagbabasa ngaun... lalo na busy na ulit at malapit na ang pasukan... pero eto susubukan ko ng umpisahan...

preschool...

nung preschool ako ewan wala pa akong masyadong maalala, 3 years old palang kasi ako nung eh... puro lang kwento ng nanay ko... ang natatandaan ko lang eh yung paghugas ko ng kamay na natagalan dahil nakikipagkwentuhan ako sa kakalase ko... napagalitan tuloy kami ng teacher. anyway.... ayun nung nursery ako sabi ng nanay ko, syempre umpisa ng klase yung mga bata hindi sanay maiwan ng mgma nanay nila o yaya (sosyal kasi yung school ko kahit ganun yung pangalan... lahat daw halos ng mayayaman dun nagaaral... ewan ko nga kung bakit nasama ako dun eh) so ayun na nga syempre since hindi sanay maiwan ang mga kaclase ko naiiyakan daw sila... ako naman daw wala deadma lang... tapos nang sumunod na linggo syempre ok na yung mga kaklase ko sanay ng maiwan... cguro sa isip isip ko nun: aba it's my time to shine! kaya ako naman ang umiyak! (o dba bata palang ako papansin na... at ayaw makisabay sa uso!)

tapos nalipat ako sa ibang school kasi lumindol nun nasira yung tulay na nagdudugtong sa bundok namin as sa syudad. kaya ayan ewan cguro akala nila matalino ako hindi na nila ako pinagkindergarten, nag prep na agad ako! o dba?!

gradeschool...
ang pinakanaaalala ko eh noong grade3 ako huling taon ko na doon kasi sabi ng kuya ko ilipat na uli ako sa dati kong eskwelahan... kasi sa eskwelahan na yun pag recess pinapababa kami sa canteen at dun kami lahat dapat kumain ng meryenda... ewan ko ba... gumana ang katarantaduhan ko... pumunta ako sa classroom namin, tapos ang ginawa ko kinuha ko yung mga lapis nga pinakamalapit kong kaibigan para itago... tapos nagpunta na ako ng banyo... aba akalain nyo bang pagbalik ko nagkakagulo na sila kasi nawawala yung mga lapis... tapos sa isip isip ko nun... naku lagot na! ang dating eh ninenok ko yung lapis... sablay ang pinakauna kong practical joke... tsk... tsk... tsk...

at noon sa eskwelahan ding yon ang isa pa sa naaalala ko eh paborito ako nung advicer namin si Mrs. Irene Siapno... ewan cguro kasi ang cute cute ko nun, ang liit liit ko kasing bata tapos cute din talaga ako noon ewan ko nga ba bakit hindi na ngaun! lagi ngang ganun yung tanong nila sa akin pag tinitignana nila yung photo album namin eh. bad trip.
elementary2...
ayan nakabalik na ako sa eskwelahan para sa mayayamang bata, pagbalik ko kinailangan kong magsummer kasi naman dun sa eskwelahang pinanggalingan ko walang geometry grade four pa ata magkakaroon ng ganung subject, kaya ayun napilitan akong pumasok kahit bakasyon. at dun ko nakilala ang kaibigan kong si jonas, pareho kaming lilipat sa eskwelahang yung, bagong salta kung baga... puro mga lalaki ang mga kaklase namin... mga mahihina ang utak kaya nga nagsasummer eh. tapos pagkatapos ng summer ayan pasukan na, pang hapon ang una kong eskedyul, noong una tahimik ako, sympre wala pa akong kilala nun, may batang nakikipagkaibigan sa akin, hindi ko maysadong pinansin, binigay ko lang yung pangalan, ewan nakakairita kasi eh pabibo! hinihintay ko si jonas yung kaibigan ko nung summer class, aba pagdating ng kaibigan ko, tanggal ng shades tapos biglang bagsak ng bag, asteeg diba ang anga. pero pagkatapos ng ilang araw inilipat na rin ako ng mga magulang ko sa pang umagang eskedyul kasi hindi naman daw pala ako malilate pag yun ang eskedyul ko. ayan so ang dami ko nga nakilalang mga bata, at doon ko nakilala ang bestfriend kong si tracy, meron pa kaming isang kaibigan si honsety kaya lang lumipat sia ng eskwelahan nung sumunod na taon kaya hindi na namin sia nakasama, pero oks lang yun sa akin, hindi ko sa masyadong gusto eh. tapos dun ko narin nakilala ang pinakauna kong crush, naku ang gwapo gwapo niang bata, kaya lang masyado siang gwapo para mapansin ako, karamihan ng mga crush ko noon eh naging kaibigan ko lang. at hindi pa masyadong masaklap ang dating ng ganong pangyayari sa akin kasi nga bata pa naman ako.
masaya naman ang naging buhay ko ng mga taong eto. puro lang laro at saya ang pinaggagagawa. bata kasi, naisip ko tuloy ang sarap balikan kasi hindi pa ganun karami ang pangangailangan ko, kung baga simple lang ang mga nakakapagpasaya sa akin noon, at hindi ko pa nadaranas ang matinding kalungkutan. ng mga panahong eto madalas kaming inaabot ng hapon se eskwelahan kasi nageensayo kaming sumyaw, o dba dancer pala ako noon. ayan ang aking elementary days... puro saya at laro.
highschool...
sa mga panahong ito unti unti ko nga nadidiskubre ang mga kalukohang kaya ko palang gawin. dito na yung natutu akong sumubok humithit ng yosi sa likd ng ospital sa tabi ng eskwelahan namin. at dito ko rin naranas kung paano malasing at magkaroon ng hang over pag gising mo sa umga. masakit pala talaga sa ulo.
dito rin da panahong ito nabuo ang amin barkada na Star. marahil napangiti ka sa kakornihang yan pero wala akong pakialam, hindi rin naman kami ang may pakanang matawag nun eh, mga kaklase namin ang nagbinyag noon sa amin. marahil naitanung mo kung bakit star? star kasi kami daw ang pinaka sikat na mga bata sa school, paano nasa grupo na namin ang pinakamatalino, pinakamayaman, pinakamayabang, pinakabully, pinakamaingay, lahat na yata ng pinaka nasa amin, pwera na cguro ang pinakamaganda, nasa kabilang grupo sia sa Circle (circle of bitches) ayos lang kung maasar sila ang tawag naman nila sa amin eh FB feeling beautiful, kaya patas lang tau mga cra! bwahahaha!
dito na rin nabuo ang walang kakwenta kwenta naming banda ng mga kaklase kong lalaki, oo 1 of the boys talaga ako noon pa. minsan nga ako ang dakilang yaya ng mga gaghong yan eh. andyan na yung pag heartbroken nanaman yung bestfriend kong lalaki nakahanda na ang ice na panggamot sa namamaga nyang kamao mula sa pag suntok sa pader, minsan ulo na inuumpog ni gago. sa mga panahong ito rin ako nagkaroon ng mga matitinding crush at love teka hindi ito totoong love, infatuation lang ika nga nila. karamihan ng nagusuhan ko eh mga naging malapit sa akin pero hindi sila kagapuhan eh... minsan nga natatawa nalang ako pag naaalala ko kasi wala pala akong taste!
sa magitan ng mga panahong ito eh marami akong kagaguhang nagawa, hindi ko alam kung natural lang pero karamihan nga ng kabarkada ko mas malala pa sa akin, kaya cguro nga normal lang ang mga nagawa ko noon.
dito rin sa mga panahong ito kami nagkahiwalay ng landas ng matalik kong kaibigang si tracy nagkaroon sia ng ibang mga kaibigan at ganun rin naman ako, pero ayus lang bestfriends parin naman kami hanggang ngaun.
sa panahong ito rin ako nalibang sa pagsisilbi sia Diyos, lagi kaming nagpupunta sa mga retreat ng kaibigan kong si tina, madalad pa kaming magaway bago makarating doon. dito ko nakilala ang mga iba't ibang klase ng tao. dito na yung nasubukan kong matulog sa sahig, maligo sa maduming banyo, at dito ko rin naranasang magpunta sa BAcolod sakay ng Negros Navigation. ang saya dahil first time yun na lumakbay akong hindi ko kasama ang mga kaklase ko o kapamilya ko.
at highschool din 3rd to be exact noong una akong dinatnan ng mens, ako sa buong batch namin ang hindi pa dinaratnan noon kaya akala mo piyesta ng nakita nilang may tagos ang palda ko. ang mga kaklase ko eh nagsilabasan pa sa mga classroom nila para lang tuksuhin akong dalaga na ako. naging cheerleader din ako ng mga panahong ito, nakakahiya mang aminin ngunit oo naging cheerleader ako, ako yung mga pinagtatatapon nila sa ere kasi ako ang pinakamaliit sa batch namin. at syempre maraming galit sa akin noon ng mga bakla at cheerleader sa kakumpitnsya naming eskwelahan, meron yung minsan eh inaway ako ng mga bading, na hindi ko naman kilala, sympre dahil sa marami akong kaibigang nasa varsity noon nagsumbong ako, sinugod nila ang baklitang pumutok an butse, sinidak, kinabikasan hindi pumasok, nagkasakit sa takot. at dahil nga marami akong kaibigan sa varsity andiyan na rin yung napilitan silang ipasok yung crush ko sa 3rd year dahil pinilit ko sila.
sa huling taon ko sa highschool nagbalik ang dati naming kaklase, si nico, dati nung nasa elementary palang kami akala namin bakla sia kasi nasa kilos nia na mejo malambot, at lagi yang nagpapaiyak ng bata bully talaga kung bully. pinagaaway nia ang mga kaklase nia, iyan ay ilan lang sa mga kasamaang pinaggagawa nia. pumunta sia ng estados unidos pagkatapos ng graduation namin sa elemntary para ipagpatuloy ang pagaaral doon. nagbalik nga sia noong 4th year highschool kami, pero para lang bumisita. tandang tanda ko pa na nakita ko sia sa art room kung saan kasalukuyan kaming nagpipinta. dahil hindi ko naman sia naging kaklase naging hi hello at plastic na kamusta ka na ang naging usapan namin, hanggang sa lumaon naging close kami dahil kay tina,sila kasi yung magkaibigan noon pang elemntary. ayan na yung madalas na kaming magkasama, pero sympre kasama pa rin si tina. tapos naging madalas ang usapan namin sa fone, na pati ang kapatis niang babae eh naging katelebabad ko na rin. oo naging crush ko sia, pano ang gwapo bago sa paningin ko yung mahabang buhok, at mejo rugged ang datinf, may fashion statement kung baga, mga kaklase ko kasing lalaki noon basta lang mahal at detatak ayus na sa kanila. hanggang sa kinailangan na niang magpaalam dahil babalik na sia sa states para tapusin ang highschool, syempre lungkot na lungkot at iyak talaga ako ng iyak. pero pinangako naman namin sa isa't isa na araw araw kaming mageemail. kaya lang bago pa man sia nakarating sa states eh nabanggit na ng bestfriend niyang si genie na crush din daw nia ako, eh ang ugali ko noon na pag gusto ako ng crush ko ayaw ko na. at mula noon eh naging madalang na ang pagsusulatan namin. hanggang sa mabaling na ang aking atensyon sa isa pa naming kaklase, nagpacute sia sa akin, at gaya ng dati umyaw na ako nung naging crush nia ako. kaya buong highschool hindi ako nagkaroon ng boyfriend.
pero bokud doon naging masaya talaga ang highschool, ang pagtutuklas ko nga mga bagaong bagay, bagang pagtritripan, baong hilig at bagong kalokohan.

No comments: