Thursday, June 29, 2006

galing sa friendster (harapin mo ang nakaraan) hehehe

SURVEY sa friendster... hehehe d ko masyado sineryoso dun kasi mababasa ng lahat. pero try ko sagutan ng seryoso dito! secret lang natin to ha! :)


01.PAANO KUNG BIGLA KAYONG NAGKITA NG
EX MO?
>> haha nasubukan ko yun, at sa loob pa ng sinehan, kasama nya friends nya at ako magisa! ano ginawa ko... tinext ko lahat ng kaibigan ko! tapos naghyperventilate. :)

**
nagkita nga kami sa sinehan tapos tinext ko lahat ng pwedeng itext, tinawagan ako ni antz, at naku bukod sa paghhyperventilate eh natapakan ko yung mga paa nung 2 kong katabi tapos yung bag ko nahampas ko dun sa lalakeng nasa harap ko. tapos pagkatapos kung makipagusap sa telepono umupo ako sa pinakamalapit na chair tapos pagkatapos nung movie naspotlight ako. ang saya diba!?


02. SINO SA MGA EX MO ANG GUSTO MONG
BALIKAN?
>> si pom lang ex ko eh! pag love na nia ako uli at pag nagbago sia, why not!

**
si pom lang naman ex ko eh... so sia lang ang mababalikan ko. kung nagmature na sia at kasama na ako sa mga priorities nis oo naman babalika ko sia, that is kung single parin ako ha.


03. BAKIT?
>> kasi love ko pa sia (ayokong seryosohin tong survey na to at baka macornihan kau!)

**
kasi love ko parin sia ngaun kahit papano. d na cguro matatanggal yun noh!


04.PINAKILALA KA BA NG EX MO SA PARENTS
NIA?
>> oo naman naglunch out pa nga kami eh

**
oo kasama buong pamilya naglunch kami sa greenhills pagkatapos nung play nia na pippin kasama ko pa sila nyx and sarah


05.BAKIT KAYO NAG-BREAK?
>> simple lang...kasi hindi na nia ako love (or kung hindi man, "nagWANE" (sabi nia eh) yung love nia for me, eh di brineak ko

**
kasi sabi nia nagwwane na daw yung love nia and kailangan daw muna niang hanapin yung sarili nia, tapos narealize ko na cge baka tama na rin na ibreak ko sia kasi mukhang wala na kaming patutunguhan eh, so brineak ko tapos i ended up begging him to come back, pero wala na rin nangyari kasi nung time na yun sabi nia wala na its over between us.


06. SA PALAGAY MO MINAHAL KA NG EX MO
>> cguro naman noh! well... binabawi ko... oo naman!

**
noon natanung ko kung nilove nga ba nia ako. pero oo naman minahal nia ako. wag kayong kumontra kahit kaibigan nia kau, kasi iba yung relationship namin sa relationship nio, so mas kilala ko sia kahit papano. ok?


07.ANONG GUSTO MONG SABIHIN SA EX MO?
>> hello galing mo na talagang stage actor! at choreographer ka narin pala ng bluerep, congrats pala nakakuha ka ng dance scholarship!

**
hello! kamusta ka na? alam mo ba sobra mo akong nasaktan pero marami rin naman akong natutunan dahil sayo. salamat narin kahit papano. nga pala nakita ko yung blog ni rony may picture ka doon. ang gwapo mo bagay mo yung haircut mo. at wait kasi ang dami ng nagsasabi sa akin, hindi ko na tuloy alam kung totoo... bading ka ba?

alam mo miss na kita, lahat ng memories natin nafifeel ko mga ideals na eh, hindi na sense experience, nakakalungkot nga eh. pero ok lang naman atleast nasa memory parin kita. ako ba nasa memory mo pa?
pinagsisihan mo ba na nagbreak tau kahit konte? namimiss mo rin ba ako? yung someday na sinabi mo... ano sa tingin mo pwede pa kaya?
musta ka na? cguro hindi ka parin nagshshare ng emotions mo sa iba noh? ishare mo! ayoko na yung you always keep it to yourself! hindi yung maganda dba?
ayun lang cguro marami pa akong gustong sabihin sau, pero eto nalang muna sa ngaun :)

08. BAKIT YUN ANG SINABI MO?
>> eh wala naman na kaming dapat pagusapan eh!

**
kasi yun naman talaga yung gusto kong sabihin noon pa eh.


09. OK LANG BA NA MAGING MAGKAIBIGAN
KAYO NG EX MO?
>> sa ngayon... hindi pa cguro... in time... SUMDAY hehehehe

**
sa ngayon hindi pa cguro kasi mahal ko pa sia eh, pagfriends lang kami lalo akong masasaktan tapos ma frfrustrate.


10.MAY NAGING BEST FRIEND KA BA NA
NAGING GF/BF MO?
>> wala

11. MASASABI MO BA SA SARILI MO NA
NAGING MABUTI KANG GF/BF SA EX MO?
>> oo naman! AS IN!

**
oo naman naging mabuti talaga ako. kamali ko lang cguro na sobra ko ciang minahal nakalimutan ko yung sarili ko, andami tuloy kapalpakan ang nangyari. pero naging mabuti talaga ako.


12. NAG BAGO KA NA BA?
>> sa anong aspeto? nagmature ng konte!

**
oo nagbago na ako, feeling ko naman nagmature ako pagkatapos kung daanan lahat ng napagdaanan ko. nagbago ako kasi nagmahal ako. :)


13.ILAN NA BA ANG NAPAIYAK MO?
>> binibilang ba dapat yun? ikaw ilan na?

14 INIYAKAN MO RIN BA SILA?
>> oo yung iba

15 MUSTA KA NAMAN NGAYON?
>> eto nagvolunteer sa habitat tapos nage-MA ng creative writing sa UST-

**
eto masaya na dahil hindi na ako nakakulong sa lawschool, nagsusulat na uli ako, sana mapagbuti ko pa. maraming kaibigang namimiss, nawala sila sa kanikanilang paraan, malungkot, pero ganun talaga, kailangang kayanin.


16 ANO PINAKAMAGANDANG NATUTUNAN MO
SA EX MO?
>> do everything you can to save the relationship... para in the end wala kang what ifs. thanks pom! :)

**
na hindi masamang magmahal ng sobra, hindi tama na wag mong ibigay ang lahat at magtira ka dapat sa sarili, kung hindi; magmahal ka ng sobra at the same time dapat mahal mo rin ang sarili mo.
FIND LOVE IN ANY FORM.

infinite blabbers (2): appreciating the Other

We grow old and suddenly we want to hurry things.
Don't commit when you're not ready.
Don't keep others waiting endlessly.
To fulfill your parenting fantasies, get a puppy. Don't bring another life into this world for all the wrong reasons. To keep yourself warm, buy a jacket. In the long run, it will be less complicated and less costly.
Take care of yourself. Don't wait for someone to take care of you.
No one completes you--except you.

Got this text message from a friend. (emby)


hmm... I don't quite agree with the last sentence, that no one can complete you except you. I think sometimes this statement is hypocritical. Don't you feel that sometimes it is this one person (we fantasize) that can help you find your true self? The "complete" version of You.

Don't you find yourself (sometimes), feeling quite beaten up by the apathy of the world, and in that moment of weakness you dream to have someone beside you. Someone you feel safe with, someone that can ease the loneliness and frustrations you're feeling. I think it is that one person that may lead you to your completeness, we should not forget to give the "other" the proper credit he/she deserves.

Sometimes the "other" helps you find yourself, true that he isn't the one who will complete you, but he/she is one of the many factors that might lead you to your completeness.

True that you should take care of yourself, but sometimes we need other people to take care of us, isn't it the essence of what God has taught us about loving one another. We should practice this more often, we should take care of the people we love as well, it is our duty, (it has been our duty, since the day we decided to love that person) to take care not only of ourselves but also the people we love.

***just my random thoughts for the day. good day everyone!

Wednesday, June 21, 2006

infinite blabbers (1)


let me talk to space once again.

hmmm... after quiting law school i'm off wandering along the dusty rode of life, in solitide. perhaps it is time for me to face the world on my own. he sent my angel away from me for a while, seems to me he wants us to grow apart to be able to grow together.

so now i am back to UST taking up my MA in creative writing, class haven't started yet, and yes... i have all the time in the world to read and write, was supposed to teach (in this school) but i think the subject i would be teaching would'nt be available until next sem, so while waiting i volunteered for Habitat for Humanity. i am going to write about thier projects, and hopefully my little help could extend to alot of people here in our country(especially people my age), for them to be able to help, less fortunate ones.

i am out in the world on my own, i think this time it's for real. i'm out, stripped, naked from innocence, and as naked as i can get i am about to face the many trials the world is about to throw at me...

i'll take the punches and hugs one at a time.

take care

she left. the best relationship i ever had ended, well not quite, but yeah it did... somehow...

she told me that she will never tired of loving me, and that made me cry a little more, almost every minute i think of her, and i wonder how on earth will she be able to survive there... away... away from all of us. well such a strong person like her can't be put down by such a simple challenge of distance... i think...

she loved me, condotionally unconditionally, its hard to say but one things for sure she really loved me. and she loved every body i love, my friends, chahing and of course my family.

such a weird kind of friendship one might say, amazing for some, and some are bothered as well...

of all the things i've lost for the past few years and having her in return was worth it. she became my strength and i became hers.

a psychiatrist said, you allow other people to touch your life and to hold on to you, you let them love you, for it uplifts and inspires their soul.

i don't know if im making sense, it's all random thoughts anyway... i miss her so much! i miss hugging her, talking to her before sleep, eating out with her, talking to her over a cup of tea. i miss her terribly... i miss my angel...

Monday, June 19, 2006

before



now before the weather starts to crack on my hands
before the leaves flutter to distance
the entirity of the universe shall be ours
for this hour shall be the 9th if not the last
soon you will walk down the sea to swim on another land

now before the sun rains with teardrops
before the current wash my heart
let the heavy heart settle on your palm
i'll make you a deal;
if you carry it i shall carry yours

now before i end this poem
before i cut my hands, and poke my eyes
i shall have a last look at your face
let me memorize every teardrop, every sweat
let me kiss you and say good bye.

ambition

well i've been thinking... does it really pay off if your ambitious?

what is ambition anyway... is it being able to survive the notional world... stating that life is all about the money? is that true? what about doing the thing you love the most? isn't it considered an ambition, just because, if you do you might not be able to earn a lot of money in the end?

how i miss my dad and his simplicity...

Friday, June 16, 2006

water


let the water heal your wounds
let it enter your veins
to replace the hot scarlet liquid that dissolves your soul
">

Monday, June 05, 2006

from stainless longganisa

hindi lahat nabibigyan ng pagkakataong magsulat. hindi lahat nabibigyan ng boses sa papel. ang iba nga nakukuntento na lang sa ilalim ng tulay o upuan ng bus. kaya di dapat sayangin ang pribilehiyo na mailapat ang isip sa isang babasahin. kung may pagkakataon ka na gawin ito--pusanggala, ipayakap mo ang buong papel sa sarilng salita! wag na wag mo 'tong patatapakan sa iba. angkinin mo ang bawat sulok ng espasyo na ipinagkatiwala sa'yo. dahil hindi ka nadadagdagan sa paggamit sa mga sulating hindo mo gawa, nananakawan ka lang ng napakahalagang punasan ng tinta.

talambuhay 2

college...

1st yr

college bagong salta sa maynila buti nalang at kasama ko ang ate ko sa bahay kaya hindi ako masyadong na homesick at kasama ko rin si jonas sa bahay kaya lang noong second sem lumipat na rin sia sa ibang bahay. sa UST ako nagaral ng kursong pilosopiya. noong uno hindi ko alam ang pasikot sikot ng unibersidad, nakakaaliw, bagong mundo kaya tatang tanga pa ako. noon nga nagpapahatid pa ako kay jonas dahil sa takot maging magisa... oo noong mga panahong ito hindi pa ako sanay magisa, madalas nagpapasama pa ako sa ate kong pumunta ng mall, dahil bukod sa baka mawala ako, takot lang talaga akong mag isa.


pagpasok ko sa eskwela ang una kong naging kaibigan ay si garnet na pareho kong probinsyana, at iloka na rin, galing sia ng ilocos.at dito ay nagkaroon ako ng culture shok ng makasalamuha ko sila, pasantabi sa mga dati kong kaklase wala akong masamang ibig sabihin, ang akinh lang eh, iba't ibang personalidad kasi ang sumambulat sa akin. at dito ko nakilala ang mga taong cowboy at konti lang ang arte sa katawan, hindi tulad ng mga kaklase ko ng highschool. pagkalipas ng ilang araw doon ko na nakilala sila meg, ning, lyndon,father, at si nikki, at wag nating kalimutan ang ang artista daw na kaklaseng sil louie. ang gwapo nia, crush cia halos lahat nga mga kaklase ko pwere si meg na kahit obvious naman na naging crush nia ay hinid parin nia inaamin hanggang ngaun. sobrang kilig dahil pinahiram nia ako ng jacket nia nung giniginaw ako... at sympre inggit ang mga kklase kong babae. kinabukasan naubusan ng tagahanga si louie noong magsout sia ng civillian, pano para siang hinugot mula sa taong 1980 na bitin na pantalon at naka tuck in pa! at diyan nagtapos ang career ni louie sa buhay namin.

dito rin sa panahong ito nagkaroon ng gusto sa akin si lyndon ang kabarakada namin, eh dahil ayaw ko ng tinatalo iniwasan ko sia kahit na umiiyak sia, at gusto nia akong makausap, dahil sa kasamaang eto lumayo at nagalit ang una kong mga barkada sa kolehiyo. nagalit sila sa kasamaang ipinakita ko. hindi ko namn mapigil ang loob ko kung ganoon ang nararamdaman ko, kaya minabuti ko nalang din lumyo sa kanila pansamantala kahit kami ay nagkabatibati narin. at dito ko naging kaibigan sila jht, dhing at loi. at oo ako nanaman ang kaisaisang babae, at naging bago namang kaibigan ng mga dati kong kabarkada si grtechen.
sa mga panahong ito kami namulat sa kagandahan ng pilosopia, na naging obsesyin na namin, ito ang nakapagpabago sa karamihang mga pananaw namin sa buhay. at laking pasasalamat namin na dahil dito hindi na kami naging normal magisap hanggang ngaun.

2nd yr

second year college ako nang magasawa ang ate ko at namatay si rico yan, walang kinalaman si rico yan dito, naalala ko lang. at napilitan akong lumipat sa bahay nila tina dahil ayoko namanng magdorm. at dito ko naranasan ang pagka homesick. dito ko naramdaman ang unang tunay na kalungkutan, ng tuluyan na akong mahiwalay sa aking pamilya. at akala ko dito rin kami magiging close lalo ni tina ngunit salungat ang nangyari, kami ni chai ang bunso niang kapatid ang naging magkaibigan. hindi ko alam pero lumayo ang loob namin ni tina sa isa't isa, aminin man namin o hindi. sa panahong ito rin ako sumubok mag workshop, at kumanta sa music museum.
dito rin sa panahong ito dumami ang mga kaibigan ko dahil sumama ako sa politikal org nila jhet. naging masaya ang pagkakaibigan namain hanggang sa nagkagusto si loy sa akin at naging ganun rin ang kwento nia gaya ng kay lyndon. at dito na nagsimulang bumalik ang relasyon ko sa mga dati kong kabarkada.
dito sa panahong ito nagkakilanlan ang bawat isa sa section namin dahil sa duladulaan namin sa english. at dito nabuo ang magandang samahan naming magkakaklase.
3rd yr
dito na tumindi ang pagkakaibigan naming lahat, at halos nawala na ang paggugrupo grupo namin, at naging isa na kami. masaya dahil dito rin ako nagumpisang magsulat at magpinta uli. dahil cguro sa impluwensya ni mam guevara. at hindi lumaan naging magkaibigan kami.
sa panahong ito rin nakita ng mga kaklase ko ang kakayahan ko sa pamimilosopo na napili nila akong magdeliver ng isang proyekto sa philosophy congress kung saan lahat ng magagaling na unibersidad ay nagtipon tipon.
dito na rin nagbalik si nico, yung naikwento ko kanina na dati kong kaklaseng nagpunta sa states. pag punta nia dito talagang ilang na ilang talaga ako. tapos gusto nia pa akong makausap, sympre ang nasa isip ko parin eh sasabihin nia sa aking gustio nia ako. matagal baga nia ako nakumbinsing kausapin sia. hanggang sa nakapagusap na kami. at doon ko naranasan ang first heart break ko, ng sabihin niang ako ang ideal girl nia ngunit hindi pwede maging kami dahil... isa siang bading. iyak iyak iyak... at maramin pang iyak, hanggang hindi lumaoon pagbalik nia dito para magaral na ng kolehiyo ay napatawad ko na rin sia. hanggang sa napadalas na ang pagtulog ko sa bahay nila at doon ko na kilala si POM. at dito nagsimula ang maraming pagbabago sa buhay ko.
si pom sa buhay ko...
nung una crush crush at konting landian lang. hindi lumaon nagkagusto na nga kami sa sia't isa. at bago matapos ang school year, birthday ni charo january 17, 2004 naging kami. cia ang anang boyfriend ko, ang unang lalaki sa bhay ko.
ngunit tulad ng maraming magandang mga bagay kailangang matapos ng aming kwento.
pagkatapos ng aming kwento nagsimula naman ang kwento namin ni antz ang aking kapatid sa maraming paraan.
sa panahong ito rin tuluyang nagpaalam ang tatay ko. napakasakit dahil hindi ko akalaing sandaling panahon lang ang pinagsamahan namin, ngunit alam ko na balang araw magkikita rin kami uli.
4th year
ang huling taon ko sa kolehiyo na nagkaroon ng maraming kumplikasyon, ngunit tulad nga maraming bagyo lumipas rin ito. at tuluyan na kaming nagkahiwahiwalay ng aking mga kaklase.
bakasyon nito ng uno kong mapuntahan ang puerto galera kasama ni antz, at unang pagkakataon rin kung saan nadapa ako at pinilit bumangon para sa aking kinabukasan.
1st year lawschool
dito sinubok kung tuparin ang pangrap ng aking mga magulang at kapamilya para sa akin, ngunit sadyang hindi ako naging masaya. ngunit wala akong pagsisisi at hindi ako naghihinayang sa isang taong ginugul ko sa pagaaral ng law, dahil nakilala ko ang mga magagandang taong mamahalin ko habang buhay.
at dito ko rin nadanas ang pagkapahiya at sobrang takot sa harap ng guro. at sumali rin ako ng sorority. naging masaya ang aking buhay sa law school.
at ngayon susubukin ko ang buhay na gusto kong tahakin... hanggang dito nalang muna... :)

talambuhay 1

nagbabasa ako ngaun ng stainless longganisa ni bob ong kaya siguro ako natuwang subukang magsulat sa tagalog... sinubukan ko kasi noong magsulat ng tula sa tagalog at lumabas na katawatawa. nagtry maging seryoso at madrama... wa epek naman! hehehe

ayun so hindi ko alam kung paano ko sisimulan... ang dami kong gustong isulat... kaya lang yung iba dapat hidni mabasa ng ibang tao... kung sa bagay... wala naman sigurong masyadong nagbabasa ngaun... lalo na busy na ulit at malapit na ang pasukan... pero eto susubukan ko ng umpisahan...

preschool...

nung preschool ako ewan wala pa akong masyadong maalala, 3 years old palang kasi ako nung eh... puro lang kwento ng nanay ko... ang natatandaan ko lang eh yung paghugas ko ng kamay na natagalan dahil nakikipagkwentuhan ako sa kakalase ko... napagalitan tuloy kami ng teacher. anyway.... ayun nung nursery ako sabi ng nanay ko, syempre umpisa ng klase yung mga bata hindi sanay maiwan ng mgma nanay nila o yaya (sosyal kasi yung school ko kahit ganun yung pangalan... lahat daw halos ng mayayaman dun nagaaral... ewan ko nga kung bakit nasama ako dun eh) so ayun na nga syempre since hindi sanay maiwan ang mga kaclase ko naiiyakan daw sila... ako naman daw wala deadma lang... tapos nang sumunod na linggo syempre ok na yung mga kaklase ko sanay ng maiwan... cguro sa isip isip ko nun: aba it's my time to shine! kaya ako naman ang umiyak! (o dba bata palang ako papansin na... at ayaw makisabay sa uso!)

tapos nalipat ako sa ibang school kasi lumindol nun nasira yung tulay na nagdudugtong sa bundok namin as sa syudad. kaya ayan ewan cguro akala nila matalino ako hindi na nila ako pinagkindergarten, nag prep na agad ako! o dba?!

gradeschool...
ang pinakanaaalala ko eh noong grade3 ako huling taon ko na doon kasi sabi ng kuya ko ilipat na uli ako sa dati kong eskwelahan... kasi sa eskwelahan na yun pag recess pinapababa kami sa canteen at dun kami lahat dapat kumain ng meryenda... ewan ko ba... gumana ang katarantaduhan ko... pumunta ako sa classroom namin, tapos ang ginawa ko kinuha ko yung mga lapis nga pinakamalapit kong kaibigan para itago... tapos nagpunta na ako ng banyo... aba akalain nyo bang pagbalik ko nagkakagulo na sila kasi nawawala yung mga lapis... tapos sa isip isip ko nun... naku lagot na! ang dating eh ninenok ko yung lapis... sablay ang pinakauna kong practical joke... tsk... tsk... tsk...

at noon sa eskwelahan ding yon ang isa pa sa naaalala ko eh paborito ako nung advicer namin si Mrs. Irene Siapno... ewan cguro kasi ang cute cute ko nun, ang liit liit ko kasing bata tapos cute din talaga ako noon ewan ko nga ba bakit hindi na ngaun! lagi ngang ganun yung tanong nila sa akin pag tinitignana nila yung photo album namin eh. bad trip.
elementary2...
ayan nakabalik na ako sa eskwelahan para sa mayayamang bata, pagbalik ko kinailangan kong magsummer kasi naman dun sa eskwelahang pinanggalingan ko walang geometry grade four pa ata magkakaroon ng ganung subject, kaya ayun napilitan akong pumasok kahit bakasyon. at dun ko nakilala ang kaibigan kong si jonas, pareho kaming lilipat sa eskwelahang yung, bagong salta kung baga... puro mga lalaki ang mga kaklase namin... mga mahihina ang utak kaya nga nagsasummer eh. tapos pagkatapos ng summer ayan pasukan na, pang hapon ang una kong eskedyul, noong una tahimik ako, sympre wala pa akong kilala nun, may batang nakikipagkaibigan sa akin, hindi ko maysadong pinansin, binigay ko lang yung pangalan, ewan nakakairita kasi eh pabibo! hinihintay ko si jonas yung kaibigan ko nung summer class, aba pagdating ng kaibigan ko, tanggal ng shades tapos biglang bagsak ng bag, asteeg diba ang anga. pero pagkatapos ng ilang araw inilipat na rin ako ng mga magulang ko sa pang umagang eskedyul kasi hindi naman daw pala ako malilate pag yun ang eskedyul ko. ayan so ang dami ko nga nakilalang mga bata, at doon ko nakilala ang bestfriend kong si tracy, meron pa kaming isang kaibigan si honsety kaya lang lumipat sia ng eskwelahan nung sumunod na taon kaya hindi na namin sia nakasama, pero oks lang yun sa akin, hindi ko sa masyadong gusto eh. tapos dun ko narin nakilala ang pinakauna kong crush, naku ang gwapo gwapo niang bata, kaya lang masyado siang gwapo para mapansin ako, karamihan ng mga crush ko noon eh naging kaibigan ko lang. at hindi pa masyadong masaklap ang dating ng ganong pangyayari sa akin kasi nga bata pa naman ako.
masaya naman ang naging buhay ko ng mga taong eto. puro lang laro at saya ang pinaggagagawa. bata kasi, naisip ko tuloy ang sarap balikan kasi hindi pa ganun karami ang pangangailangan ko, kung baga simple lang ang mga nakakapagpasaya sa akin noon, at hindi ko pa nadaranas ang matinding kalungkutan. ng mga panahong eto madalas kaming inaabot ng hapon se eskwelahan kasi nageensayo kaming sumyaw, o dba dancer pala ako noon. ayan ang aking elementary days... puro saya at laro.
highschool...
sa mga panahong ito unti unti ko nga nadidiskubre ang mga kalukohang kaya ko palang gawin. dito na yung natutu akong sumubok humithit ng yosi sa likd ng ospital sa tabi ng eskwelahan namin. at dito ko rin naranas kung paano malasing at magkaroon ng hang over pag gising mo sa umga. masakit pala talaga sa ulo.
dito rin da panahong ito nabuo ang amin barkada na Star. marahil napangiti ka sa kakornihang yan pero wala akong pakialam, hindi rin naman kami ang may pakanang matawag nun eh, mga kaklase namin ang nagbinyag noon sa amin. marahil naitanung mo kung bakit star? star kasi kami daw ang pinaka sikat na mga bata sa school, paano nasa grupo na namin ang pinakamatalino, pinakamayaman, pinakamayabang, pinakabully, pinakamaingay, lahat na yata ng pinaka nasa amin, pwera na cguro ang pinakamaganda, nasa kabilang grupo sia sa Circle (circle of bitches) ayos lang kung maasar sila ang tawag naman nila sa amin eh FB feeling beautiful, kaya patas lang tau mga cra! bwahahaha!
dito na rin nabuo ang walang kakwenta kwenta naming banda ng mga kaklase kong lalaki, oo 1 of the boys talaga ako noon pa. minsan nga ako ang dakilang yaya ng mga gaghong yan eh. andyan na yung pag heartbroken nanaman yung bestfriend kong lalaki nakahanda na ang ice na panggamot sa namamaga nyang kamao mula sa pag suntok sa pader, minsan ulo na inuumpog ni gago. sa mga panahong ito rin ako nagkaroon ng mga matitinding crush at love teka hindi ito totoong love, infatuation lang ika nga nila. karamihan ng nagusuhan ko eh mga naging malapit sa akin pero hindi sila kagapuhan eh... minsan nga natatawa nalang ako pag naaalala ko kasi wala pala akong taste!
sa magitan ng mga panahong ito eh marami akong kagaguhang nagawa, hindi ko alam kung natural lang pero karamihan nga ng kabarkada ko mas malala pa sa akin, kaya cguro nga normal lang ang mga nagawa ko noon.
dito rin sa mga panahong ito kami nagkahiwalay ng landas ng matalik kong kaibigang si tracy nagkaroon sia ng ibang mga kaibigan at ganun rin naman ako, pero ayus lang bestfriends parin naman kami hanggang ngaun.
sa panahong ito rin ako nalibang sa pagsisilbi sia Diyos, lagi kaming nagpupunta sa mga retreat ng kaibigan kong si tina, madalad pa kaming magaway bago makarating doon. dito ko nakilala ang mga iba't ibang klase ng tao. dito na yung nasubukan kong matulog sa sahig, maligo sa maduming banyo, at dito ko rin naranasang magpunta sa BAcolod sakay ng Negros Navigation. ang saya dahil first time yun na lumakbay akong hindi ko kasama ang mga kaklase ko o kapamilya ko.
at highschool din 3rd to be exact noong una akong dinatnan ng mens, ako sa buong batch namin ang hindi pa dinaratnan noon kaya akala mo piyesta ng nakita nilang may tagos ang palda ko. ang mga kaklase ko eh nagsilabasan pa sa mga classroom nila para lang tuksuhin akong dalaga na ako. naging cheerleader din ako ng mga panahong ito, nakakahiya mang aminin ngunit oo naging cheerleader ako, ako yung mga pinagtatatapon nila sa ere kasi ako ang pinakamaliit sa batch namin. at syempre maraming galit sa akin noon ng mga bakla at cheerleader sa kakumpitnsya naming eskwelahan, meron yung minsan eh inaway ako ng mga bading, na hindi ko naman kilala, sympre dahil sa marami akong kaibigang nasa varsity noon nagsumbong ako, sinugod nila ang baklitang pumutok an butse, sinidak, kinabikasan hindi pumasok, nagkasakit sa takot. at dahil nga marami akong kaibigan sa varsity andiyan na rin yung napilitan silang ipasok yung crush ko sa 3rd year dahil pinilit ko sila.
sa huling taon ko sa highschool nagbalik ang dati naming kaklase, si nico, dati nung nasa elementary palang kami akala namin bakla sia kasi nasa kilos nia na mejo malambot, at lagi yang nagpapaiyak ng bata bully talaga kung bully. pinagaaway nia ang mga kaklase nia, iyan ay ilan lang sa mga kasamaang pinaggagawa nia. pumunta sia ng estados unidos pagkatapos ng graduation namin sa elemntary para ipagpatuloy ang pagaaral doon. nagbalik nga sia noong 4th year highschool kami, pero para lang bumisita. tandang tanda ko pa na nakita ko sia sa art room kung saan kasalukuyan kaming nagpipinta. dahil hindi ko naman sia naging kaklase naging hi hello at plastic na kamusta ka na ang naging usapan namin, hanggang sa lumaon naging close kami dahil kay tina,sila kasi yung magkaibigan noon pang elemntary. ayan na yung madalas na kaming magkasama, pero sympre kasama pa rin si tina. tapos naging madalas ang usapan namin sa fone, na pati ang kapatis niang babae eh naging katelebabad ko na rin. oo naging crush ko sia, pano ang gwapo bago sa paningin ko yung mahabang buhok, at mejo rugged ang datinf, may fashion statement kung baga, mga kaklase ko kasing lalaki noon basta lang mahal at detatak ayus na sa kanila. hanggang sa kinailangan na niang magpaalam dahil babalik na sia sa states para tapusin ang highschool, syempre lungkot na lungkot at iyak talaga ako ng iyak. pero pinangako naman namin sa isa't isa na araw araw kaming mageemail. kaya lang bago pa man sia nakarating sa states eh nabanggit na ng bestfriend niyang si genie na crush din daw nia ako, eh ang ugali ko noon na pag gusto ako ng crush ko ayaw ko na. at mula noon eh naging madalang na ang pagsusulatan namin. hanggang sa mabaling na ang aking atensyon sa isa pa naming kaklase, nagpacute sia sa akin, at gaya ng dati umyaw na ako nung naging crush nia ako. kaya buong highschool hindi ako nagkaroon ng boyfriend.
pero bokud doon naging masaya talaga ang highschool, ang pagtutuklas ko nga mga bagaong bagay, bagang pagtritripan, baong hilig at bagong kalokohan.

random

saying goodbye kills me a little (sometimes alot). you know what i realized it hurts more and it kills me more when i say goodbye to friends... especially to a sister. for the past few years death and leaving unfolded full blast. it gets tiring to deal with it sometimes.

i stumbled upon my old journals, way back in highschool. cute how i desperately wanted to know this thing they call love. funny to look back on those happy days... when all you care about is this stupid crush of yours and obsessing about it more and more. memories of young love... oh... young love, how less complicatd it was before.

now i am just typing away... without a special topic in my head...

hmmm... dear sister i will miss you a lot. bring all our good memories with you... in taiwan remember the special bond we have created. the friendship we call a miracle. i love you so much.

Friday, June 02, 2006

let's do it



Track Title:               Let's Do It (Let's Fall In Love)
Album Title: Cole Porter Songbook, disc 2

Prime Artist: Ella Fitzgerald
Producer: Norman Granz
Written by: Cole Porter (C. Albert P.)
From the Show: Paris 1928 (S)


Lyrics:
Birds do it, bees do it
Even educated fleas do it
Let's do it, let's fall in love

In Spain, the best upper sets do it
Lithuanians and Letts do it
Let's do it, let's fall in love

The Dutch in old Amsterdam do it
Not to mention the Fins
Folks in Siam do it - think of Siamese twins

Some Argentines, without means, do it
People say in Boston even beans do it
Let's do it, let's fall in love

Romantic sponges, they say, do it
Oysters down in oyster bay do it
Let's do it, let's fall in love

Cold Cape Cod clams, 'gainst their wish, do it
Even lazy jellyfish, do it
Let's do it, let's fall in love

Electric eels I might add do it
Though it shocks em I know
Why ask if shad do it - Waiter bring me
"shad roe"

In shallow shoals English soles do it
Goldfish in the privacy of bowls do it
Let's do it, let's fall in love



In old Japan, all the Japs do it
Up in Lapland little Laps do it
Let's do it, let's fall in love

The chimpanzees in the zoos do it
Some courageous kangaroos do it
Let's do it, let's
fall in love

I'm sure giraffes on the sly do it
Even eagles as they fly do it
Let's do it, let's fall
in love

Electric eels I might add do it
Though it shocks em I know
Why ask if shad do it - garcon de
"shad roe"

The world admits bears in pits do it
Even Pekingeses at the Ritz do it
Let's do it, let's
fall in love

The royal set sans regret did it
And they considered it fun
Marie Antoinette did it -
with or without Napoleon

Parliament pleasure bent did it
Mam'selles every time their short of rent

Cold Cape Cod clams, 'gainst their wish, do it
Even lazy jellyfish, do it
Let's do it, let's fall in love

Electric eels I might add do it
Though it shocks em I know
Why ask if shad do it -
Waiter bring me "shad roe"

In shallow shoals English soles do it
Goldfish in the privacy of bowls do it
Let's do it, let's fall in love

Dragonflies in the reeds do it
Sentimental centipedes do it
Let's do it, let's fall in love

Mosquitos,
heaven forbid, do it
So does every katydid do it
Let's do it, let's fall in love

The most refined ladybug do it
When a gentleman calls
Moth in your rugs do it
What on earth, what's the use of balls?

The locusts in the trees do it
Why, even the bees do it
Even over-educated fleas do it
Let's do it, let's fall in love

The chimpanzees in the zoo do it
Some courageous kangaroos do it
Let's do it, let's fall in love

I'm sure the giraffes on the sly do it
Heavy hippopotami do it
Let's do it, let's fall in love

Sloths who hang down from the twigs do it
Though the effort is great
Sweet guineapigs do it
Buy a couple and wait

The world admits bears in pits do it
Even Pekingeses in the Ritz do it
Let's do it,
let's fall in love

--after watching de-lovely...
it's a very funny and cute way of saying...
"yes... why not? let's all fall in love!