Saturday, November 25, 2006

infinte blabbers 5: paghuhulog

kanina sa translation class napagusapan namin na bukod sa pagsasalin meron pa pala tayong isa pang salita para sa translation, at yan ay ang paghuhulog. kung ihahambing ang ibig sabihin nito sa salitang ingles (fall) ay medyo negatibo ang dating. para maintindihan namin, sabi ni sir mike coroza isipin daw namin ang kwento ni juan tamad, na ayon sa kanya hinihintay ni juan ang paghulog na bayabas, na kung saan kaya inaantay ni juan ang bayabas ay dahil masustansiya ito.

sa madaling salita ang "hulog" ay hindi 100% negatibo. at bigla nalang naliwas ang usapan namin sa penomenolohikal na debate. ang argumento ni sir mike na hindi negatibo ang "hulog" na salita, kung titignan at susuriin natin, ay dahil, hindi ba sa pagkahulog natin nagmumula ang meaning o understanding natin. (argh! hindi ko na kayang magtagalog! jologs talaga ako magsulat!) anyway point is ang sabi niya na you first have to fall in order to find meaning. at nerelate nia ito sa buhay, na ang buhay naman talaga ay ganyan, na para maintindihan natin ang isang bagay o ang mismong buhay natin o kung ano man ang silbi ng buhay natin ang pinagmumulan muna nito ay pagkahulog. ang trials na nadanas mo... hindi ba nagpunga ng pagtuklas ng meaning ito sa buhay mo?

he said that life itself is a never ending process of translation. (kasi pinagdudukdukan nia, which i believe is right naman, na importante ang translation hindi lamang ito pangongopya at paglilipat sa ibang salita, isa itong mabusising pamamaraan ng pagpapalaganap ng sining at literatura) hindi lang naman salita ang isinasalin eh, ang ginagawa ko ngayon na pagsusulat tungkol sa mga saluobin ko at pananaw tungkol sa pagsasalin ay galing sa aking utak na sinasalin ko sa salita. (basta ganun! ang hirap magtagalog! sana walang magbabasa nito!) anyway ayun na nga gusto ko lang ibahagi ang mga natutunan ko kanina kay sir mike sa translation class. (kung sa tingin nio ay meron nga) marami pa akong thoughts pero antok na ako, umpisa lang to, kaya pag nakita niyo na nagpost uli ako tungkol sa paghuhulog wag niyo na basahin dahil nakita niyo naman na walang silbi pinagsusulat ko! hehehe kasi pagkatapos ko isulat binasa ko uli, at shiet! nakakahiya naman walang kwenta anyway read at your own risk nga ang ika ni nyx hehehe...

1 comment:

ice said...

may kwenta naman ah. =) thanks to your "blabbers", we get to learn something new..