Thursday, February 22, 2007

nagpasa ng note

kanina sa translation make up class nakikinig kami sa nagrereport, tapos bigla akong na OC kasi yung chair ko natanggalan ng plastic so ang ginawa ko pinalitan ko ng ibang chair... tapos pagtingin ko yung ipinalit ko mas malala pa pala! argh! anyway nalaglag yung fuchsia kong mechanical pencil tapos inabot ni burns sa akin. tapos biglang eto nakita ko siyang may sinusulat sa scratch paper at ipinapasa kay benjie, syempre si pakialamera inabot kay benjie tapos nakibasa rin at ang sabi:

kelangan ba

color coding
lage?
BAKIT HINDI?!
:P
pwede naman
hehehe


*di talaga bat yung drawing kaya lang wala kasi dito basta mukha ata ng cat o dog yun o basta yun.

yan yung naging conversation wala lang pacute lang hehehe... kasi nga naman tumerno pa yung damit at sandals sa lapis ko... hehehe... ayun pampasaya ng araw... malungkot kasi today.

last day kasi nung student ko na si alex at yung sister niyang si sandy tapos hinatid ko sila sa elevator na pigil na pigil yung iyak, tapos kita ko bago mag sara yung elevator paiyak na si sandy kaya nung tuluyan ng nagsara hinayaan ko ng pumatak ang luha ko... hay buhay wala namang katapusang pamamaalam... sabi nga ni isaac "i think that the meeting is very precious because the parting is so difficult." oo ganun na nga yun... hay buhay... at marami pang ibang darating at lilisan... bad trip noh?! pero ayos lang nakakatouch nagemail ako kanina pagdating ko sa bahay at sumagot naman agad si alex, eh sa kultura nila hindi naman uso ang pakashwal na i love you kaya hindi ako nag i love you sa kanya pigil na pigil kasi baka hindi mainitindihan nung bata tapos ayun wala lang nakakatuwa na siya pa yung naunang nag i love you. kakatouch talaga...

Monday, February 19, 2007

lea/iving

hay buhay... sabi nila lahat ng dumarating umaalis rin, it will end soon like all love will nga daw... how can you find love in any form kung lahat naman nga ng na "find" mo mag eend din?

ang tanung lang... anung saysay ng lahat kung matatapos rin lang?

sabi nila hindi raw ako masyadong nagpapahalaga... bakit pa kung wala rin naman matitira sa akin in the end diba? parang pipiliin ko nalang maging safe... marami ng nangyari leaving and parting and dying too... dba?! ano pang saysay ng lahat... ng pagpapahalaga at pagmamahal...

para saan pa talaga kung matatapos rin lang lahat.

Friday, February 16, 2007

pwede na uli!

yebah!!! may fone na ako uli pagkatapos nung ilang linggong pagkawala sa mundo ng cellphone at text messages, at mga events at make up classes na hindi ko alam dahil sa wala nga akong cellphone. gamit ko yung luma kong number. pasensya na globe at wala akong panahong mag bayad ng bill. hehehe eto po ang number ko kung namiss nio ako dito nio ako itext. 09165973066

Wednesday, February 14, 2007

in all fairness sa araw ng mga puso ha...

in fairness talaga sa araw ng mga puso ha! napasaya ako... wala lang never naman kasi akong nakatanggap ng mga kasweetan sa araw na yan bukod sa mga bulaklak na galing kay anyatot which by the way hanggng internet nalang pero sweet parin at thank you parin hehehe... ayun na nga wala lang yung student ko na 50 years old sa morning ang saya biglang nagabot ng chocolate na parang sabi nia today is valentines day so here... parang ay shet sir thank you na touch talaga ako... ayun na nga tapos yung mga mukang sanggano na mga bagong students shet ang sweet lang kasi lahat binigyan nila ng chocolate, tapos ayun na nga alam nio ba na yung isa pa dun talagang inasa isa nyang balutin yung mga chocolate tapos nilagay sa isang bag. ayun tapos kahit hindi ko mga students nag bigay rin... nakakatuwa talaga. tapos nag indulge ako magisa sa coffe bean, na pasta and herb linguine ako tapos moroccan mint tea latte wala lang masaya lang, at pasensia na ann nakalimutan kong may lunch date pala dapat.. tapos uminom kami ni ann nag order ako ng beer isa lang talaga dapt tapos naisip namin na mag margarita so cge go... tapos nakita pa kami ni isaac at ni tom pero umuwi sila ng mas maaga... ayun anyway nung bayaran na hahaha panalo! 38 pesos lang binayaran ko kasi margarita night pala hahahaha! ayun wala lang masaya lang... pero hay ewan kong nagfifeeling pero sabi ni ann hindi na raw eh... hindi na nagfifeeling parang totoo na raw... hay may gusto sa akin student ko.... basta ayun ewan... nakakailang na pero ayaw ko naman ma hurt sia kasi sobrang bait nia na dapat d ko sia i hurt... hay... pero ayun basta masaya ang valentine's day ko ngaun!!!! sana kayo rin...

Tuesday, February 13, 2007

carnations and a butt!


" It is not often that someone comes along who is a true friend and a good writer. Ynna was both." - Charlotte's Web
Go watch and grab a copy of the book, na! Perfect love day movie =) HAPPY VALENTINES!
I LOVE YOU dearest sister!
- antz

Saturday, February 10, 2007

cguro nga

joy_anya: it took me a while to realize i cant make you see that or realize that..just by even saying it or kahit ilang beses pa tayo magaway
joy_anya: yung mga mahal ka talaga di kanaman matitiis eh.. hindi nila kayang pilitin hindi ka mahalin eh
joy_anya: ikaw gumuho man ang mundo ilang beses mo man silang hindi pansinin alam mo pagkinailangan mo sila andyan pa rin
joy_anya: sa mga fleeting friendships mo or hindi yung mga hindi masyado important..mas napapahalagahan mo pero paghindi kanaman ok navavalue mo pa rin yun mga nagmamahal sa yo
joy_anya: so i think mahal ka din nila that way

para kay willy boy

aalis ka na pero gusto ko langmalaman mo na mahal din kita. at alam ko rin kung gaano mo ako kamahal at sobra akong nagpapasalamat doon kung alam mo lang. pasensia na hindi ko gaano maipakita kung gaano rin kita kamahal. mamimiss kita pag wala ka na. ewan sobra lang cguro kasi akong secured sa love mo na parang feling mo tuloy natitiis kita. alam ko lang kasi na mas mahal mo ako kesa sa mahal nila ako kaya cguro ganun. hay... malungkot at kailangan nanaman akong lisanin. pero ayos lang mahal parin naman natin ang isa'tisa. sana maging sapat na iyon. i love you willy boy! sana mabasa mo to! :)
sana sa iyong paglisan eh daladala mo ang pagmamahal ko at ang karampot na alaala natin dalawa. magiingat ka doon. at sana patuloy mo parin akong mahalin. :)

babalikan

people come and go...
minsan mahirap talagang pigilin kung napamahal na sayo... ang hirap ng bumitiw... pero cguro ganun talaga kelangang may lumisan minsan para may roon ring babalikan...

Friday, February 09, 2007

today

you are the one who inflicts pain and shame unto yourself...

sa translation

ang baba ng level of vocabulary ko sa filipino! hindi pang MA pang elementary! kaya ngayon mag sisikap na akong mag salita ng direchong filipino!!!

wala

wala akong fone kasi sira! shet na yan! tapos nag lasing pa ako kagabi at ngayon ko palang uumpusahan pagnilaynilayan at isa isahin ang mga detalye ng nobela ko!!! shet pano na! ginagawa ko namang parang college lang ang MA shet!!! argh!!!!!!!!!!!!!!